NEA ideneklarang Category A na ang ISELCO 2!

Ilagan City- Matapos na makapasa sa mga parameters na inilatag ng National Electrification Administration(NEA)ang Isabela Electric Cooperative 2( Iselco 2) ay pormal ng itinaas sa Category A ang nasabing cooperatiba ng kuryente na nakakasakop sa congressional district 1, at 2 dito sa lalawigan ng Isabela.
Ayon kay Gen.Manager David Solomon Siquian ng Iselco 2, itoy nagpapatunay umano na gumaganda na ang kalagayang pang pinansyal,technical at iba pang aspecto ng naturang cooperatiba.
Dagdag pa ng nasabing opisyal sa panayam ng RMN News Cauayan,na ang pagkakadeklara bilang Category A ng NEA sa cooperatiba ay dumaan sa masusing pagsusuri sa kalagayang pang pinansyal,at technical at ang kapalit naman umano nito ay magbibigay daan sa karagdagang benipisyo sa mga manggagawa at mga member consumers nito.
Sa isinagawang 35th Annual General Assembly ng mga myembro nito ay ipinagmalaki din ni GM Siquian na sa kasalukuyan ay wala ng pagkakautang ang nasabing cooperatiba sa NEA.

Facebook Comments