NEA, naglabas ng panuntunan para sa mga electrification administration officials at employee na tatakbo sa 2025 Elections

Naglabas na ng panuntunan ang National Electrification Administration (NEA) para sa mga mga opisyal at empleyado nito na nagbabalak na tumakbo sa darating na 2025 National at Local Elections.

Base sa inilabas na Memorandum, pinaalalahanan ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda ang mga gustong kumandidato sa mga tuntunin na itinakda ng Comelec alinsunod sa probisyong nakasaad sa Republic Act 10531 o NEA Reform Act of 2013.

Paliwanag pa ni Almeda, lahat ng EC officials at employees na magsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) para sa May 12 National at Local Elections at Parliamentary Election sa Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao (BARMM) ay awtomatikong nagbitiw na sa kanilang tungkulin.


Dagdag pa ni Almeda, kung ang isang EC official o employee naman ang kakandidato sa isang party-list group, hindi ito ituturing na on-leave o nagbitiw, sa kondisyon na siya ay nominated ng organisasyon o ng miyembrong consumer owner.

Giit pa ni Almeda, ang guidelines ay base sa RA 10531 Section 26 na nagtatakda ng kalayaan ng EC board of directors at iba pa.

Para sa mga kakandidato nakatakda na sa Oktubre 1 hanggang 8 ang filing ng COC sa Commission on Elections (COMELEC) para sa National at Local Elections habang sa Nobyembre 4 hanggang 9 naman ang filing para sa BARRM Parliament.

Facebook Comments