Nag-deploy ang National Electrification Administration (NEA) ng line crews, para sa madaliang power restoration sa buong nasasakupan ng Nueva Ecija Electric Cooperative 1 sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Galing sa Ilocos Norte Electric Cooperative Inc., ang mga ipinadalang mga line crew.
Ayon sa NEA, pang-siyam na ang team ng line crews na dumating para sa Task Force Kapatid Karding na kasalukuyan na ring gumagawa ngayon.
Inaasahan din ang pagdating ng Task Force Kapatid mula sa Tarlac ngayong araw.
Batay sa ulat ng NEA-Disaster Risk Reduction and Management Department mayroon pang 134,874 household ang wala pang suplay ng kuryente dahil kay Bagyong Karding.
Hanggang noong Sabado,nasa 97.97% na ang kabuuang suplay ng kuryente ang naibalik sa buong lalawigan ng Nueva Ecija.
Ang Nueva Ecija Electric Cooperative 1 ang iniulat na may pinakamalaking pinasala na umabot sa higit ₱23 Million.