Namahagi ng generator sets, flashlights, tarpaulin, family food packs at inuming tubig ang national electrification administration sa mga residenteng naapektuhan ng magkasunod na lindol sa North Cotabato at Davao Del Sur.
Ito ay bahagi lamang ng pagbibigay-ayuda ng National Electrification Administration (NEA) sa mga biktima ng kambal na lindol noong buwan ng Oktubre.
Katuwang ng NEA ang One Ec Network Foundation at Association of Mindanao Rural Electric Cooperatives, Inc. o Amreco sa paghahatid ng tulong sa halos 3-libo dalawandaang households.
Bukod pa rito, kasalukuyang nasa North Cotabato si NEA administrador Edgardo Masongsong para sa ocular inspection ng itatayong housing project para sa mga mahihirap na tuluyang nasiraan ng bahay.
Una na ring tiniyak ng ahensiya na maibabalik sa takdang oras ang suplay ng kuryente laluna sa 11 mga munisipalidad na siniserbiayuhan ng Cotelco o Cotabato electric cooperatives kung saan natukoy ang epicenter ng lindol.