NEA, nakaalerto na sa pagtama ng Bagyong Kabayan

Nakahanda na ang National Electrification Administration (NEA) Disaster Risk Reduction and Management Department (NDRRMC) sa posibleng epekto ng Bagyong Kabayan sa mga pasilidad ng electric cooperatives.

Pinaglalatag na ang electric cooperatives ng mga contingency measures para mabawasan ang posibleng epekto ng bagyo sa kanilang serbisyo.

Pina-a-activate na rin ang kanilang Emergency Response Organization para sa agarang pagpapatupad ng emergency response plans kung kinakailangan.


Pinatitiyak din sa mga ito na mag-preposisyon ng kanilang mga materyales at buffer stocks para sa mangyayaring power restoration.

Pinasisiguro rin na agad na ibabalik ang kuryente oras na humupa na ang sitwasyon sa mga lugar na nagkaroon ng electric service disconnection.

Facebook Comments