NEA, nakapagtala na ng higit ₱778,000 na inisyal na pinsala sa ilang electric cooperative na naapektuhan ng Bagyong Paeng

Nakapagtala na ang National Electrification Administration (NEA) ng pinsala na aabot sa ₱778,468 mula sa ilang electric cooperative (EC) na naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Ang inisyal na halaga ng pinsala ay batay sa ulat ng dalawang electric cooperative na Leyte Electric Cooperative 5 (LEYECO 5) at Province of Siquijor Electric Cooperative (PROSIELCO).

Batay sa monitoring ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department, may 10 electric cooperatives ang nakaranas ng total power interruption dahil sa bagyo, habang 32 naman ang nasa ilalim ng partial power interruption.


May 16 na electric cooperative pa ang hindi nakapagsusumite kanilang report.

Pinangangambahan ng NEA na lumaki pa ang halaga ng pinsala sa mga susunod na araw.

Hinihiling ng NEA ang pang-unawa ng mga apektadong member, consumer, owner habang patuloy na sinisikap ng mga ECs na maibalik sa normal ang supply ng kuryente.

Facebook Comments