NEA, pinatitiniyak ang maayos na suplay ng elektrisidad sa education sector sa ‘new normal’

Pinatitiyak ng National Electrification Administration (NEA) sa mga electric cooperatives ang maasahan suplay ng kuryente para sa education sector sa ‘new normal’.

Ginawa ni NEA Administrator Edgardo Masongsong ang pahayag kasunod ng mga paghahanda ng Department of Education (DepEd) para sa ipapatupad na blended learning approach sa incoming school year sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Malaki aniya ang papel na gagampanan ng elektrisidad sa blended learning scheme.


Ito ay para sa paggamit ng television, radyo at online platforms at para sa kinakailangang fiber optic cables sa power distribution system.

Ani ni Masongsong, ang power distribution tulad ng ECs ay maaari ding maging internet service providers sa mga respective coverage areas partikular sa Mindanao na mayroon ng fiber optic cable infrastructures.

Hinimok din nito ang mga ECs na ikonsidera ang paglalagay ng microgrids at solar homes systems para maidugtong ang mga remote communities na wala pang access sa elektrisidad.

Facebook Comments