NEA Power Task Force Election, all set na para sa May 9

All set na ang Power Task Force ng National Electrification Administration para tiyaking walang power interruptions sa May 9 national at local elections.

Responsibilidad ng Task Force na mahigpit na i-monitor ang steady supply ng kuryente para sa transparency ng halalan.

Kabilang sa bumubuo ng task force ay ang Engineering Department (ED), Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), at ang Total Electrification and Renewable Energy Development Department.


Nakipag-ugnayan na ang NEA sa 121 Electric Cooperatives sa buong bansa upang makapagsagawa ng
preventive at corrective maintenance ng kanilang mga facilities.

Para matiyak ang wasto at mahusay ang power monitoring reporting system at ang maayos na komunikasyon, nagkaroon ng dry run ang NEA at ang mga Electric Cooperatives.

Pinapa-activate na rin sa mga ECs ang kanilang Emergency Restoration Organization (ERO)

Simula bukas, 24-hour ang gagawing monitoring ng power supply hanggang May 12 o hanggang magtapos ang canvassing ng mga boto.

Facebook Comments