Pagpasok pa lamang ng taong 2025, marami na umano ang naitalang mga kaso ng drowning incidents sa Binmaley Beach, Binmaley, Pangasinan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay MDRRMO Task Force Bantay Dagat Reynaldo Dominguez, patuloy na dinadagsa ang baybayin lalo na tuwing sumasapit ang weekends.
Nakaantabay naman ang kawani ng hanay upang agaran ang pagresponde sakaling makapagtala ng kaugnay na insidente tulad ng near drowning incidents.
Muling pinaalalahanan nito ang publiko upang maiwasang maging biktima ng pagkalunod.
Samantala, sinabi rin nito na nararanasan umano sa baybayin ang “sabang” kung tawagin sa Pangasinan na tila isang ipo-ipo sa dagat na nanghihigop papunta sa malalim na lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments