Nebrija, hinanap ang mga tauhan sa EDSA

86

Nag-ikot si MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija sa EDSA mula Timog hanggang Ortigas para hanapin ang mga tauhan na sana ay naka-deploy roon.

Kung maalala nagsanib pwersa ang Highway Patrol Group (HPG) at MMDA para mamanduhan ang matinding daloy ng trapiko sa EDSA.


Pero kanina at kahapon na-intriga ang MMDA at HPG kung saan sinasabi na may samaan ng loob.

Sa pag-iikot ng DZXL 558, maraming HPG mula sa Timog hanggang Ortigas habang iilan lang ang mga tauhan ng MMDA.

Ayon kay MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija, inaalam na niya kung saan dinala ng HPG ang mga MMDA personnel na sana ay nakaposte sa Timog hanggang Ortigas.

Paliwanag nito, ang HPG ang bahala sa deployment kung kaya at hindi niya masagot kung nasaan ang MMDA personnel sa EDSA.

Sa pag-iikot ni Nebrija, tatlong MMDA ang nasa Santolan, EDSA.

Samantala, nilinaw ng opisyal na walang gusot sa kanila ng HPG at patuloy ang kanilang ugnayan para magawa nang maayos ang kanilang trabaho.

Facebook Comments

From Advertisers