
Idinaos ng Department of National Defense o DND ang isang necrological service para kay dating Defense Secretary at Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa Camp Aguinaldo kahapon.
Layon nito na magbigay-kilala sa serbisyong ibinigay ng dating Defense Secretary.
Kasama sa mga dumalo sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., si Cagayan Economic Zone Authority o CEZA Administrator Secretary Katrina Ponce Enrile, ang anak ni Enrile at iba pang opisyal ng nasabing ahensya.
Kaugnay nito, hanggang ngayon ang labi ni Enrile ay mananatili sa Camp Aguinaldo para sa public viewing bago ibalik sa kanyang tahanan sa Makati.
Samantala, nakatakdang ilibing ang dating Defense Secretary sa Libingan ng mga Bayani sa Nobyembre 22.








