Mangunguna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gagawing pribadong necrological service para sa nasawing si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople.
Gagawin ito sa Palasyo ng Malacañang alas 9:30 ng umaga mamaya.
Mabilis lamang ang gagawing necrological service na dadaluhan rin ng pamilya at kaibigan ni Secretary Ople, mga cabinet officials at mga opisyales ng DMW.
Pagkatapos nito magkakaroon ng apat na oras na public viewing sa Malacañang na gagawin partikular sa Kalayaan Hall.
Ito ay mula ala una ng hapon hanggangg alas-5 ng hapon.
Si Secretary Ople ang kauna-unahang secretary ng DMW na in-appoint ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Siya ang bumuo at nanguna sa Blas F. Ople Policy Center and Training Institute, isang non-profit organization na aktibong nakikiisa sa mga labor at migration issues.