NEDA, binati ang pagkabuo ng Davao Regional Development Plan

Nagpaabot ng pagbati ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagkakabuo ng Davao Regional Development Plan.

Sa kanyang mensahe sa paglulunsad ng DRDP 2023-2028, sinabi ni Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nakapaloob dito ang mga layunin, Stratehiya at Priority Programs na idinisenyo upang maitaguyod ang social at economic transformation sa rehiyon.

Nakahanay aniya ang mga Stratehiya sa Ambisyon natin 2040 pati na ang Development Goals at National Strategies na nakasaad sa Philippine Development Plan.


Ipinaliwanag ni Balisacan na ang RDP ay sumailalim sa Extensive at Inclusive consultation process upang masiguro na nakonsidera ang concerns at prayoridad ng lahat ng stakeholders.

Gayunman, iginiit ng opisyal na hindi rito natatapos ang plano dahil simula pa lang ng crucial phase ng aksyon laban sa mga hamon sa ekonomiya.

Hindi umano magiging madali ang paglaban sa inflationary pressures, mataas na presyo ng kuryente, pagkalat ng sakit sa mga hayop, banta ng bagyo at epekto ng El Niño.

Facebook Comments