Kampante ang National Economic and Development Authority o NEDA na hindi magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ang El Niño o matinding tagtuyot.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang kasalukuyang El Niño ay nakikitang hindi magiging malala kumpara sa epekto sa ekonomiya ng El Niño noong 1997 hanggang 1998 partikular sa agrikultura.
Pero aminado si Balisacan na mas mararamdaman ang epekto ng El Niño sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Siniguro naman ng NEDA ang mabilis at agarang aksyon ng pamahalaan para maagapan ang posibleng pagsipa ng mga presyo.
Mahigpit na tutukan din aniya ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook ang sitwasyon at gagamitin nito ang lahat ng trade policy tools ng gobyerno.
PNP-SOSIA, nagbabala sa security guards na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong holiday season
Binalaan ng Philippine National Police – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o PNP-SOSIA ang lahat ng security guards na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong holiday season.
Batay sa memorandum na pirmado ni SOSIA acting Chief PBGen. Gregory Bogñalbal, binigyan nito ng direktiba ang mga private security personnel sa bansa na i-obserba ang safety protocols sa paghawak ng baril.
Lumalabas kasi sa records ng tanggapan na may ilang security guards ang nasangkot na sa indiscriminate firing habang nasa kanilang tungkulin.
Sinumang lalabag sa kautusan ay posibleng mapatawan ng parusa hanggang sa pagkansela ng kanilang lisensiya bukod pa ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa kanila.