NEDA, gagawa nang iba’t ibang paraan para mapanatiling abot kaya ang presyo ng bigas

Maging ang National Economic and Development Authority o NEDA ay naghahanap ng ibang pagpipilian para manatiling matatag ang presyo ng bigas sakaling magtapos na ang ipinatutupad na price cap policy.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na pansamantala lamang ang price cap.

Sa oras aniya na nakita nilang matatag na ang presyo ng bigas, iri-rekomenda nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na alisin na ito.


Binigyang diin ni balisacan na bagaman patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan, hindi nila hahayaang maramdaman ito sa local markets o ng mga consumer.

Kailangang lang aniyang gawin ayon kay Balisacan ay siguruhin na mapo-protektahan pa rin ang mga mamimili kahit hindi tumitigil ang pagtaas ng presyo ng bigas sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ilan aniya sa mga opsyon ay ang pagbabawas ng buwis o tariff sa imported rice na hindi naman aniya tatama sa mga consumer kundi sa gobyerno dahil mababawasan ang kita nito.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa kalihim na babantayan nila ang global rice prices at pag-aaralan kung ano pang ibang paraan o hakbang ang ipatupad para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng bigas sa local market.

Facebook Comments