NEDA, handang i-review ang panukalang Department of OFWs

48

Bukas ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa panukalang pagtatatag ng departamento para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, inatasan na niya ang kanilang team na magsagawa ng review sa mga proposals.

Partikular aniya ang pagkakaroon ng “time period” kung saan magkakaroon ng evaluation kung kakailanganin pa ang nasabing ahensya.

Una nang sinabi ni dating NEDA Secretary Ernesto Pernia na ang panukalang Department of OFWs ay hindi prayoridad ng Duterte Administration.

Mayroon ding joint statement mula sa economic managers na nagsasabing hindi sila sang-ayon sa pagbuo ng bagong ahensya lalo na at naghihigpit ng budget.

Facebook Comments