NEDA, hinimok ang Kongreso na agad ipasa ang economic recovery program

Hinimok ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Kongreso na agad ipasa ang economic recovery program.

Sa Pre-SONA Virtual Forum, sinabi ni Socioeconomic Planning Acting Secretary Karl Chua na nagsimula nitong Marso ang pagpapatupad ng Bayanihan to Heal as One Act kung saan ibinibigay ang emergency response sa mga apektado ng pandemya tulad ng mga frontliners, mga mahihirap at mga nawalan ng trabaho sa ilalim ng Social Amelioration at Small Business Subsidy.

Sa second phase, sinabi ni Chua na nakikipag-usap na sila sa Kongreso para agad na maipasa ang economic recovery program para maipagpatuloy ang pagbibigay ng suporta sa healthcare sector.


Bukod sa healthcare sector, prayoridad din sa economic recovery program ang pagpapanatli ng supply ng pagkain na isa sa pangunahing pangangailangan.

Importante rin ang muling pag-usad ng ‘Build Build Build’ program na siyang nagbibigay ng trabaho.

Binigyang diin din ni Chua ang madaliin na ang pagpapatupad ng National ID.

Facebook Comments