Ipinabatid ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang posibilidad ng pagbaba sa presyo ng domestic rice sa huling bahagi ng taong ito.
Ayon kay Balisacan, maaaring makakamit ang 20% pagbaba sa presyo ng bigas pagsapit ng Setyembre kung patuloy na bababa ang pandaigdigang presyo.
Dagdag pa ng kalihim, ang mga lokal na presyo ay karaniwang sumasalamin sa global trends, at habang bumababa ang mga presyo ng bigas sa buong mundo, gayundin dapat ang domestic prices sa kondisyon na walang matinding pagbaba sa exchange rate.
Kaakibat nito ayon sa pinakahuling datos, nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa rice inflation mula 24.4% hanggang 23.9 % kung saan nagkaroon rin umano ng malaking kontribusyon sa kabuuang inflation.