Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang solicited proposal para sa pag-rehabilitate ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng public-private partnership.
Ito’y upang masolusyunan na ang mga kapalpakan sa operasyon ng NAIA gaya ng kakulangan ng mga terminal buildings para sa mga pasahero at ang isyu ng restricted aircraft movement.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang proyekto ay may total cost na Php170.6-B.
Ang mapipiling bidder ay iaanunsyo bago magtapos ang taong kasalukuyan.
Facebook Comments