Umapela ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralang nasa ilalim ng Alert Level 1.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, hindi kayang palawakin ng bansa ang benepisyo ng Alert Level 1 – na umiiral sa 70 porsyento ng bansa nang wala ang face-to-face classes.
Aniya, kikita ng P12 bilyon kada linggo ang bansa kung magbabalik na ang 60,743 paaralan sa in-person classes.
Magmumula aniya ang kitang ito sa panunumbalik ng mga sebisyo sa paligid ng paaralan gaya ng transportasyon, dormitoryo, mga food stall at iba pa.
Batay sa Department of Education (DepEd), nakahanda na ang 14,000 na paaralan sa buong bansa para magsagawa ng face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.