NEDA, kinontra ang OSG matapos sabihing hindi maaaring buwisan ang mga POGO

Kinontra ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Opinyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na hindi pwedeng buwisan ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.

Ayon kay NEDA Secretary General Ernesto Pernia, sinusubukan nilang buwisan ang sektor.

Nasupresa aniya ang Economic Managers sa mga pahayag ng OSG.


Dahil dito, nakatakdang pag-usapan ng NEDA ang bagay na ito kasama ang OSG.

Matatandaang nakalusot na sa Committee Level ng Kamara ang panukalang pagbubuwis sa mga POGO.

Facebook Comments