Kumpiyansa si National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan na makukuha pa rin ng bansa ang target nitong growth rate para sa taong ito.
Sa kabila ito ng sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa at ng mga nangyayaring gulo sa ilang mga bansa
Ayon kay Balisacan, nakikita rin niya na magiging upper middle income country ang Pilipinas sa susunod na taon.
Magugunitang sa ikatlong bahagi ng taong ito, naitala ang gross domestic product (GDP) growth rate ng bansa 5.2 percent
Ito ay mas mababa sa naitala na 6.4 percent growth rate sa ikalawang quarter ng taon.
Sa unang tatlong quarters ng taong ito ay naitala naman ang 5.8 percent growth rate, na mas mababa sa target na 6 hanggang 7 percent para sa taong kasalukuyan
Facebook Comments