NEDA, kumpyansang maipapasa ng Kamara ang Bayanihan 2 sa Lunes

Tiwala ang National Economic and Development Authority (NEDA) na maipapasa ng Kamara ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 sa susunod na linggo.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, lusot na sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas sa Senado habang aprubado na ito sa ikalawang pagbasa sa Kamara.

Sinabi ni Chua na posibleng aprubahan na ito sa Kamara sa Lunes, August 10.


Sa bersyon ng Kamara, nagbibigay ito ng fiscal resources para suportahan ang healthcare system, testing, public transport, workers at iba pang sektor na apektado ng lockdown.

Kasama sa House proposal ang mga programang nagpapalakas sa testing, tracing, isolation at treatment.

Magbibigay rin ang Bayanihan 2 ng capital infusion sa Government Financial Institutions (GFIs) para matulungan ang mga maliliit na negosyo at bangko.

Facebook Comments