NEDA: Maayos at napapanahong pagpapatupad ng mga estratehiya para mapanatili ang suplay ng pagkain dahilan ng pagbaba ng inflation rate

Naging maayos at sakto sa panahon ang ipinatupad ng estratehiya ng gobyerno para mapanatili ang suplay ng pagkain sa bansa.

Ito ang dahilan ng pagbaba ng inflation rate na umabot sa 4.1 percent para sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan na ang 4.1 percent na inflation rate na ito ay pinakamababang inflation rate na naitala sa nakalipas na 20 buwan simula noong March 2022.


Dagdag pa ni Balisacan na sa tamang lugar at tamang panahon ng pagpapatupad ng trade policy ay tiwala syang makakaya ang epekto ng inflation rate at maiiwasan ang biglaang pagtaas ng presyo ng goods and commodities na safeguard o proteksyon para sa purchasing power ng mga pamilyang Pilipino lalo na ang mga nasa vulnerable sectors.

Sa ngayon, nagpapatupad na aniya ang pamahalaan ng fuel subsidies sa 166,598 public utility vehicles.

Habang mayroon ding Walang Gutom 2027: Food Stamp Program, na nagbibigay ng monetary assistance sa low-income households.

Sinabi pa ni Balisacan, kailangan ng pamahalaan ng patuloy na monitoring sa inflation situation sa harap na rin ng geopolitical tensions, extreme weather situations at iba pang dahilan na malaki ang epekto sa inflation rate.

Facebook Comments