NEDA, nababahala sa bumababang paggastos ng mga Pilipino sa pagkain

Nababahala ang National Economic Development Authority (NEDA) sa bumababang paggastos ng mga Pilipino sa pagkain dahil sa mataas na presyo nito.

 

Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, dahil dito ay magdodoble kayod ang ahensya para makontrol ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.

 

Magtatatag aniya ang NEDA ng agriculture value chain, paggamit ng strategic trade policy kapag kulang ang domestic production at ng mekanismo na magpapalakas ng purchasing power ng mga Pilipino.


 

Gayunpaman, kumpiyansa pa rin ang NEDA na magbabago ang datos tulad ng mga nakaraang buwan kung saan unti-unting bumaba ang inflation rate.

 

Samantala, bahagya namang bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa 5.6% kumpara noong 2022 na nasa 7.6%, kung saan mas mababa ito sa target na 6-7% para sa naturang panahon.

Facebook Comments