Humingi ng paumanhin ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa abalang naidulot ng aberya sa online registration para sa National ID System.
Paliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, ang paglulunsad ng online portal ay parang pagbubukas din ng isang ‘bagong restaurant’.
Ang kanilang online system kasi ay nagkaroon ng technical issues dahil dinumog ito ng maraming registrants sa pagbubukas nito noong April 30.
Ang kanilang website ay kaya lamang mag-accommodate ng nasa 16,000 users kada minuto pero nakatanggap sila ng 46,000 applicants para sa national ID system, na naresulta para mag-down ang system.
Nakikipagtulungan sila sa international at local experts para palakasin ang kapasidad ng website para tumanggap ng mas masaming national ID registrants.
Mula nitong May 3, nasa 33.4 million Filipinos ang nakakumpleto ng unang step para sa national ID registration, partikular ang pagkuha ng demographic information.