Nagpaliwanag ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa naging desisyon ng pamahalaan na bawasan ang target na itatayong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino o 4PH program.
Matatandaang ibinaba ng Department of Human Settlements and Urban Development sa 3 million mula sa dating 6 million ang target pabahay bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, maaapektuhan ang budget ng ibang sektor tulad ng education, health at infrastructure kapag ipinilit na makapag patayo ng isang milyong pabahay kada taon.
Sa ilalim kasi ng programa, isa-subsidiya ng pamahalaan ang mga benepisyaryo na low-income households, gayundin ang pagbibigay ng subsidy interest sa loan.
Gayunpaman hindi naman nakikita ni Balisacan na maaapektuhan nito ang employment status sa bansa.
Nabatid na may malaking bahagi ang 4PH program sa pag produce ng mga bagong trabaho sa bansa.