NEDA, nagsisimula nang bumalangkas ng rehabilitation plan para sa pag-bangon ng mga lugar na tinamaan ng pag-putok ng Bulkang Taal 

33

Nagsisimula ng bumuo ang National Economic Development Authority (NEDA) ng rehabilitation plan para sa mga lugar na winasak ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing na sa kanyang pagkaka-alam ay nuong isang linggo pa nagsimulang bumalangkas ng recovery plan ang NEDA.


Ipinaliwanag ni Densing na batay kasi sa itinatakda ng Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 responsibilidad ng NEDA ang rehabilitation and recovery.

Kaugnay nito’y tiniyak naman ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na may nakalatag na silang mga hakbangin sakaling umabot pa ng ilang buwan ang krisis sa Batangas.

Ilan na dito ayon kay DSWD Spokesperson Director Irene Dumlao ay ang pagpapatupad ng Emergency Cash Transfer, pag-iimplementa ng emergency shelter assistance ganundin ang food at cash for work program.

Facebook Comments