Nagsumite na ang National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo DUterte ng proposal hinggil sa pagtatapyas ng taripa sa pork imports sa limang porsyento.
Layunin nitong matugunan ang kakulangan sa supply ng baboy bunga ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, pinirmahan na niya ang Committee on Tariff and Related Matters (CTRM) – approved tariff rates bilang rekomendasyon sa Pangulo.
Ang kasalukuyang imports sa ilalim ng Minimum Access Volume (MAV) na nasa 54,000 metric tons, pinapatawan ito ng 30-percent tariff.
Ang mga hindi sakop ng MAV, ipinapanukala ang 15-percent tariff bago ito itaas sa 20-percent.
Sa ngayon, ang out-quota imports ay may pataw na 40-percent, sakop ang mga karne ng baboy.