Kinatigan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi na akma sa kasalukuyang estado ng mundo ang 1987 Constitution.
Sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan, na nagiging hadlang ang masyadong maraming restrictions ng Konstitusyon sa pag-unlad sana ng ekonomiya ng bansa.
Dahil dito, pabor aniya si Balisacan na maamyendahan ang Saligang Batas at maalis ang sobrang restrictions sa economic provisions nito.
Matagal na aniya dapat isinulong na mas gawing competitive ang Pilipinas kung inalis ang mga hindi nararapat na restriskyon sa foreign investment.
Dagdag pa ni Balisacan, malaking pamumuhunan din ang nasayang at napunta sa ibang mga karatig na bansa dahil sa mga economic restrictions ng Saligang Batas.