Pinagpapaliwanag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) ang National Economic Development Authority o NEDA kung bakit iniwasan nito ang legal procedures sa pagnanais nitong mabilis na ipatupad ang EO 62.
Ayon kay Sinag Chairman Rosendo So, nalaman nila na hindi pa opisyal ang publication ng EO at hindi pa dumaan sa 15-day prescription.
Kukuha sana ang grupo ng Certified True Copy ng Executive Order (EO) 62 at ang Certification ng Publication nito para sa documentation ng ihahain nilang petition sa Supreme Court.
Ayon sa National Printing Office, wala pa itong natatanggap na kopya ng EO 62.
Naka-schedule pa lang ang publication nito na posibleng abutin ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Tanong ni So, ano ang magiging basehan ng Bureau of Customs (BOC) sa paglalabas ng memo na ang tariff collection ay naibaba na sa 15%.
Ani So, ipinagmamalaki na ng DA at ni House Speaker Martin Romualdez na bababa na ang presyo ng bigas nitong July pero hindi pa pala published ang EO.