NEDA, siniguro na gagawa ng hakbang ang pamahalaan para maresolba ang problema ng suplay ng bigas sa bansa

Tiniyak ng National Economic Development Authority o NEDA na kikilos agad ang gobyerno para punan ang kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.

Ito ay sa sandaling makita na magkaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas sa Pilipinas.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, mahigpit na naka-monitor ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market outlook na binuo mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Paliwanag pa ni Balisacan na partikular na binabantayan ay ang suplay ng bigas sa bansa.

Sa unang kalahati ng taon ay malaki umano ang suplay na import na pribadong sektor.

Sa talaan aabot sa halos dalawang milyong metriko tonelada ng bigas ang inangkat at pumasok sa bansa ng mga rice trader.

Aminado naman ang NEDA na tali ang kamay ng gobyerno na direktang mag angkat ng bigas mula sa ibayong dagat.

Lalo pa’t pinagbabawal na ito sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

Dagdag pa ng NEDA na ang maaari umanong gawin ng gobyerno ay payagan ang mga pribadong sektor na mag-angkat ng suplay ng bigas sa ibayong dagat.

Ito’y kahit pa tumataas na rin ang presyo at nagpatutupad na rin ng paghihigpit ang ilang mga bansa na nagpo-produce ng bigas.

Facebook Comments