Kampante ang National Economic and Development Authority o NEDA na hindi magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ang pinangangambahang El Niño o matinding tagtuyot sa bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, batay sa kanilang pagtaya hindi magiging kasing lala ang epekto sa ekonomiya ng nakaambang El Niño ngayon kumpara sa mga naranasang tagtuyot sa bansa noong 1997 hanggang 1998.
Gayunman, mas mararamdaman aniya ang epekto ng El Niño sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Balisacan ang agarang aksyon ng pamahalaan para agad maagapan ang posibleng pagsipa sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa.
Facebook Comments