Ipinunto ng isang eksperto na hindi lahat ng nangyayari sa isang indibidwal kapag ito ay nabakunahan ay dapat isisi sa bakuna.
Reaksyon ito ni Department of Health (DOH) Technical Advisory Group Member at Pediatric Infectious Disease Expert Dr. Anna Ong-Lim makaraang ipahinto ng ilang mga bansa sa Europe iyong pamamahagi ng AstraZeneca vaccines dahil sa naiulat na blood clot sa mga nabakunahan nito.
Ayon kay Dr. Ong, kailangang maintindihan ng mga tao na hindi lahat ng nangyayari matapos mabakunahan ay kasalanan ng bakuna dahil ppuwedeng nagkakataon lamang o iyong tinatawag na coincidence.
Sinabi pa ni Ong na sa usapin ng blood clots dapat masuri kung gaano ito kadalas bago nagsimula ang bakunahan at ikukumpara sa dami ng kaso na inire-report matapos mabakunahan.
Paliwanag pa nito, dito sa bansa ay mayroon tayong sinusunod na protocols pero sa ngayon ay wala pa aniyang nakikitang direktang matutukoy na ang bakuna ang pinagmulan ng problema kung kaya’t tuloy ang pamamahagi ng AstraZeneca vaccines sa mga benepisyaryo nito.