Negatibong komento ni Speaker Cayetano laban kay VP Robredo, hindi nakatutulong sa kampanya laban sa ilegal na droga

Hindi pinalampas ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pahayag ni House Speaker Allan Cayetano na puro salita lang si Vice President Leni Robredo sa kanyang pangunguna sa kampanya laban sa ilegal na droga.

 

Ayon kay Drilon, nakakalungkot ang mga hindi karapat dapat na pahayag ng house speaker laban sa bise presidente.

 

Giit ni Drilon, dapat isantabi ang pulitika sa paglaban sa ilegal na droga na nananatiling matinding problema ng lipunan.


 

Ipinunto ni Drilon na nangako ng buong suporta ang malakanyang kay VP Robredo at sana ay ganito din ang gawin ng mga kaalyado ng administrasyon.

 

Sabi pa ni Drilon, hindi biro na umaabot na sa mahigit 5,000 ang namamatay sa opeation tokhang na ikinasa ng mga otoridad kaugnay sa war on drugs.

 

Diin ni Drilon, mahalaga na magtulung tulong ang lahat sa nalalabing dalawa at kalahating taon ng Duterte Administration para matugunan ang malalang isyu ng ilegal drugs.

Facebook Comments