Umapela sa media ang National Irrigation Administration (NIA) na sana’y maibalita rin sa publiko ang 99% na palayan na napatubigan ng ahensya.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni NIA Administrator Engr. Eduardo Guillen na kadalasang ang nabibigyang lamang ng pansin ay ang 1% na ang mga palayan na hindi napatubigan.
Ayon kay Guillen, kung puro ang mga negatibo ang naibabalita ay natural lang na tataas ang halaga o presyo nito sa mga palengke dahil nagkakaroon ng kaisipan na mababa ang naide-deliver na output sa anihan ng palay.
Kapag ganito aniya ang nabubuong kaisipan ay baka lalong magkaroon ng rason na mas dapat lang umangkat ng bigas at sa huli ay bumaba ang kita ng mga magsasaka.
Kaya pakiusap ni Guillen sa media na maibalita sana ang magandang performance ng ani upang para maiwasan ang panic buying at maibsan ang demand.