NEGATIVE | 2 piloto ng Xiamen airlines, nag-negatibo sa alcohol test

Manila, Philippines – Nagnegatibo sa alcohol test ang dalawang piloto ng eroplano ng Xiamen airline na sumadsad sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, nagnegatibo sa alcohol ang 60 taong gulang na Korean pilot ng eroplano gayundin ang 28 anyos na co-pilot nito na isang Chinese national.

Una nang nagnegatibo sa drug testing ang nasabing mga piloto noong Biyernes.


Sa kanila, iginiit ni Apolonio na hindi pa rin nila papayagan ang dalawang piloto na umalis ng Pilipinas habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Facebook Comments