Manila, Philippines – Ipapatawag ng PBA commissioner’s office si TNT Katropa Terrence Romeo matapos ang mga negatibong komento nito sa naging laro nila kontra Globalport Batang Pier noong Linggo.
Kahit pa nanalo sa score na 128-114, hindi pa din maiwasan na maglabas ng sama ng loob si Romeo sa mga referee dahil sa mga dribbling violations na sunod-sunod na itinawag sa kaniya.
Nabatid na sa naging interview kay Romeo, binatikos nito mga officiating referee kung saan siya na lang daw ang mag-aadjust para sa mga ito.
Sinabi naman ni PBA Commissioner Willie Marcial, na kasalukuyan pa din nire-review ng league technical staff ang mga naging tawag na violations ng referee kay Romeo pero sana naman daw ay hindi na ito nagbigay pa ng mga negatibong komento.