NEGATIVE | Mapua University, nagnegatibo sa bomba

Manila, Philippines – Nagnegatibo sa bomba ang Mapua University na unang nakatanggap ng bomb threat.

Ito ay matapos ang isinagawang panelling ng Manila Police District Bomb Squad sa buong unibersidad.

Pinayagan na lamang pumasok sa loob ng unibersidad ang mga empleyado at estudyante para kunin ang kanilang gamit matapos kumalat ang bomb threat.


Sa kabila nito, tuloy ang imbestigayson ng MPD sa insidente na nagsimula sa isang text message na nakuha ng isang estudyante.

Nakalagay sa text massage na may planong pagsabog na magaganap sa Mapua ang New Peoples Army o NPA.

Sinundan naman ang text message ng mabuhay ang NPA.

Facebook Comments