Manila, Philippines – Nagnegatibo sa iligal na droga ang mga opisyal ng Manila Police District (MPD), makaraang magsagawa ng random drug test na pinangunahan ng bagong-upong MPD District Director Police Senior Superintendent Vicente Danao Jr.
Ayon kay Danao, ipinagmamalaki niya na wala ni-isa sa kanilang hanay ng mga opisyal ang nagpositibo sa iligal na droga.
Nangangahulugan lang ito aniya na nararapat sila sa tiwala ng taombayan.
Ayon kay Danao, ang surprise drug test na ito ay alinsunod sa internal cleansing program ng Philippine National Police (PNP), partikular sa kanilang mga opisyal, kung saan ang pagne- negatibo aniya sa drug test ng mga ito ay lalong nagpapataas ng kanilang moral, upang maging mga tagapagpatupad ng batas.
Facebook Comments