NEGATIVE | Naarestong anak ni Chief Faeldon, negatibo sa isinagawang drug test

487

Manila, Philippines – Negatibo sa isinagawang drug test ang anak ni Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon na si Nicanor Jr.

Ang batang Faeldon ay naaresto kahapon sa isinagawang raid ng mga otoridad sa isang drug den sa Barangay Mabolo, Naga City.

Arestado rin ang tatlong kasama nito kung saan ang isa rito ay positibo sa ipinagbabawal na gamot.

Nakilala ang mga ito na sina Russel Lanuzo, Allan Valdez at Manuel Nebres.

Narekober sa mga ito ang pitong sachets ng pinaghihinalaang shabu.

Facebook Comments