Binigyan ng negative outlook ng isang global credit watcher ang sektor ng telekomunikasyon sa bansa sa susunod na taon.
Base sa Fitch Ratings 2020 outlook report, ang Philippine telco sector ay inaasahang magkakaroon ng negatibong free cash flow.
Maliban sa Pilipinas, nakitaan din ng negatibong pananaw sa telekomunikason ang India, Singapore at Thailand.
Mayroon namang stable outlook ang Indonesia, Korea, Malaysia at Sri Lanka.
Makakatulong din sa pang-angat sa balance sheets ang paglulunsad ng fifth generation o 5G services.
Ang free cash flow ay cash na nalilikha ng isang kumpanya kasunod ng outflows sa finance operations at pag-maintain ng capital assets.
Facebook Comments