NEGATIVE RT-PCR O ANTIGEN TEST, KAILANGANG IPRESENTA NG MGA HINDI PA BAKUNADONG INDIBIDWAL BAGO MAKAPASOK SA DAGUPAN CITY

Kailangang i-presenta ang negative RT-PCR test result o Antigen test na kinuha hindi lalagpas sa 72 oras ng mga hindi pa bakunadong indibidwal bago makapasok sa lungsod ng Dagupan sa pagsasailalim nito sa Alert Level 2.

Sa inilabas na Executive Order No.8 s. 2022, nakasaad dito na bago makapasok sa lungsod kailangang magpakita ng vaccination card na nagpapakita na ang isang indibidwal ay fully vaccinated bilang pagtitiyak sa kaligtasan ng bawat isa laban sa COVID-19.

Maliban sa vaccination card kailangang ding magpakita ng government issued-ID.
Bawal din ang sabong, maging operasyon ng cockpit arenas sa lungsod.

Samantala, ang Bike and Run Day na isinasagawa tuwing linggo ay magbabalik na. Ang lungsod ay mayroon na lamang 64 na aktibong kaso ng COVID-19 at lagpas 100% n anito ng kaniyang eligible population ang bakunado. | ifmnews

Facebook Comments