NEGATIVE RT-PCR TEST RESULT KAILANGANG IPAKITA NG MGA UNVACCINATED INDIVIDUALS BAGO MAKAPASOK SA DAGUPAN CITY

Papapasukin na sa lungsod ng Dagupan ang mga indibidwal na fully vaccinated laban sa COVID-19. Sa inilabas na Executive Order No. 37 s. 2021, bago makapagparehistro sa S-Pass kailangan munang ipresenta ang valid at verifiable na vaccination card.

Kung hindi pa bakunado ang isang indibidwal kailangang magpresenta ng negatibong RT-PCR Test result o Antigen test result tatlong araw bago ang nakatakdang pagpasok sa lungsod.

Upang maaprubahan ang aplikasyon sa S-PASS kailangan ding magpakita ng government ID at kahit na anong valid ID.


Dadaan din sa body temperature check ang mga ito sa border checkpoint at kung sakali mang lampas sa normal body temperature aasistihan ito ng City Health Office para sa kanilang assessment.

Para naman sa mga Authorized Person Outside the Residence o APORs na papasok sa lungsod, ipakita lamang sa border checkpoint ang IATF ID, Office ID, Government ID, certificate of employment o di kaya naman ay travel order.

Ang Dagupan City ay nasa ilalim ng General Community Quarantine hanggang sa ika-31 ng Nobyembre.###

Facebook Comments