NEGOSASYON | Issue sa South China Sea, isa sa mga matatalakay sa ASEAN na dadaluhan ni PRRD

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kasama sa mga agenda ng gaganaping Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit sa Singapore ang issue sa territorial dispute sa South China Sea.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Junever M. Mahilum-West papasok ang issue na ito sa gaganaping ASEAN – China Summit o ang pulong ng mga ASEAN leaders kasama si Chinese President Xi Jinping.

Paliwanag ni West, magpapatuloy kasi ang negosasyon sa pagpapatibay ng Code of Conduct of Parties in the South China Sea.


Pero sa kabila nito ay hindi naman masabi ni West kung uungkatin ba ni Pangulong Duterte ang napabalitang pagtatayo ng China ng mga weather observation system sa tatlong lugar sa disputed areas sa South China Sea o West Philippine Sea.

Matatandaan na sinabi ng Malacañang na ginagawa na ng Department of Foreign Affairs (DFA) mga dapat gawin para makumpirma ang balitang ito at sakaling lumabas na totoo ay maghahain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.
Matatandaan na dadalo si Pangulong Duterte sa ASEAN Summit sa Singapore sa darating na November 12-15.

Facebook Comments