Negosasyon ng DOH at Finance Department sa pag-alis ng VAT sa mga gamot, nagpapatuloy

Nakikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa Department of Finance (DOF) para malibre sa value added tax o VAT ang ilang uri ng gamot.

Ayon kay Health Usec. Charade Grande ng DOH Health Regulatory Team, layon nito na mapababa ang presyo ng mga gamot sa ilalim ng TRAIN law.

Kabilang sa mga gamot na ito ang para sa hypertension, diabetes, anti-cholesterol, kontra cancer, mental illness, sakit sa bato, tuberculosis at COVID-19.


Sinabi pa ni Usec. Grande na may isinasapinal rin sila na kasunduan sa Philippine Competition Commission para mapalakas pa ang kumpetisyon sa lokal na merkado at maibaba pa ang presyo ng mga gamot.

Facebook Comments