Inaasahang matatapos ang negosasyon para sa Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at European Union (EU) bago magtapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, binibilisan na ng dalawang panig ang pagplantsa sa pagsisimula ng negosasyon.
Target ng Pilipinas at EU na simulan ang negosasyon bago matapos ang taong ito.
Una nang inanunsyo ni European Commission President Ursula von den Leyen na magbabalik ang negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at regional bloc para sa isang FTA.
Facebook Comments