Hindi pa naisasapinal ang negosasyon ng pamahalaan sa mga bansang magdo-donate ng bivalent vaccine sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Health (DOH) Office in Charge Maria Rosario Vergeire, sa ngayon at hindi pa sila maaaring maglabas ng detalye hinggil dito.
Sapat naman aniya ang bilang ng mga dosage na hiniling nila at ibinigay ng ibang mga bansa para mabigyan ang mga dapat makatanggap ng bivalent vaccines.
Dagdag pa ng DOH, batay sa impormasyon na isinumite ng mga eksperto, may mga inisyal na rekomendasyon na kung sino ang unang makatatanggap ng naturang bakuna.
Facebook Comments