Negosasyon ng US at Russia tungkol sa Nuclear Arms Control, sisimulan na

Nakatakda nang umpisahan ng United States at Russia ang negosasyon tungkol sa Nuclear Arms Control.

Pero ayon kay Russian Pres. Vladimiri Putin, hindi niya masabi kung mauuwi ang pag-uusap sa extension ng start 3 Nuclear Disarmament Treaty.

Ang start 3 ay isang proposed agreement sa pagitan ng U.S. at Russia na layong bawasan ang bilang ng mga idine-deploy na Nuclear Weapons.


Kasalukuyang sakop ng new start treaty ang dalawang bansa na nilagdaan nila noong 2010 at mag-e-expire sa 2021.

Ayon kay Putin, kung mabigo ang Washington na makipagnegosasyon para sa extension ng kasunduan, posible itong maging banta sa arms control.

Hindi naman binanggit ni Putin kung kailan magaganap ang pulong.

Facebook Comments