Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na nasa iba’t ibang yugto na ang negosasyon para sa pagbubukas ng pagawaan ng bakuna kontra COVID-19 dito sa Pilipinas.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, apat na grupo ang kinakusap ng pamahalaan para sa planong pagtatatag ng local vaccine manufacturing plant sa bansa.
Aniya, nasa magkakaibang estado na ang kanilang ginagawang pakikipagnegosasyon kasama si Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.
“Actually ho lahat ho may mga apat ho mga ongoing, different stage ho ng usapan with our group, with the group of Secretary Galvez. At ito naman ho ay atin hong pina-facilitate at masasabi natin at tutulungan din natin sila sa mga requirements din sa FDA at hindi ko lang mabanggit iyong mga pangalan,” ani Lopez.
Umaasa naman si Lopez na sa loob ng taong ito o sa susunod na taon ay magkakaroon na ang bansa ng aktwal na investment sa sandaling maisumite nila ang mga requirements na kinakailangan.